Ate Guy, taken for granted na nga ba?

March 19, 2020
Nora Aunor

NORA Aunor soars high anew with her latest teleserye “Bilangin ang Bituin sa Langit.”

Pumapalo sa ratings ng nasabing teleserye, na siya ring titulo ng pelikulang pinagbidahan ni Ate Guy noong 1989. 

Kasama niya rito ang mga batikang artista na sina Mylene Dizon at Isabel Rivas, sa direksyon ng multi-award-winning director na si Laurice Guillen. 

Ang nasabing teleserye ay malaking break para sa Kapuso young artist na si Kyline Alcantara. 

Dahil dito kailangan niyang galingan. At kitang-kita naman ang effort sa acting ng young star. 

Sabi nga nila, nanlalamon sa eksena si Ate Guy.  But she is known to be generous to her fellow actors. Ilang beses ko nang narinig sa umpukan na marunong daw mag-adjust ang Superstar sa ka-eksena lalo na ‘pag baguhan. 

At kilala rin siya sa pagiging suportive sa ilang baguhang direktor na nabigyan niya ng malaking break.

Nakakatuwa naman na patuloy na pinapahalagahan ng Kapuso network ang Supertar. 

The network has succesfully reintroduced her to the millennials thru her previous series “Onanay.”  Kaya malaking tulong ito kay Ate Guy. Her superb acting prowess deserves to be appreciated by today’s generation. 

Pero sa kabila ng tagumpay ng kanyang huling teleserye sa GMA network, bakit nilagay pa rin siya sa afternoon slot? 

Hindi na ba pang-primetime ang isang La Aunor?

Just asking...