Ate Vi, Nagsumamo sa langit

April 07, 2020
Vilma Santos-Recto

BIHIRA magparamdam sa social media ang Star for All Seasons at Batangas (6th District) Rep. Vilma Santos-Recto, pero hindi niya natiis mag-post ng kanyang nararamdaman ngayong may COVID-19 pandemic.

Obviously, super affected na si Rep. Vi sa lahat ng kalunus-lunos na nangyayari sa buong mundo.

Kaya naman sa Instagram niya idinaan ang isang taimtim na pagsusumamo at panalangin.

Dasal niya sa in-upload na litrato ng praying hands: “LORD, TAMA NA PO. PATAWARIN NYO NA PO KAMI SA AMING MGA KASALANAN. PLEASE LORD, HEAL THE WORLD... HEAL OUR LAND... BLESS OUR FRONTLINERS... BLESS OUR FAMILIES... BLESS OUR LEADERS IN JESUS NAME WE PRAY AND WE TRUST... AMEN AMEN AMEN.”