Athena five months pregnant

February 05, 2020
Athena Imperial
Athena Imperial

FIVE months pregnant ngayon ang dating beauty queen-turned Kapuso news reporter na si Athena Imperial sa kanyang husband na si Ben Rodriguez.

It was last February 4 nang i-share ni Athena ang magandang balita tungkol sa kanyang kalagayan ngayon.

Si Athena ay nagtapos ng college sa University of the Philippines.  Nagtrabaho siyang writer at researcher para sa investigative news magazine program na “Reporter’s Notebook” bago siyang ginawang news reporter ng GMA.

Si Athena ay ikinasal sa stock market advocate na si Ben Rodriquez nung April 2, 2018 sa Caleruega Parish in Batangas na dinaluhan ng kanyang mga kasamahan sa GMA News & Public Affairs na pinangunahan ni Mike Enriquez.  Dumalo rin ang ilan niyang mga kasamahan sa news department tulad ng mag-asawang  Mariz Umali at  Raffy Tima at iba pa.

Athena turned 33 last Sunday, February 2.  Siya ang tinanghal na Miss Earth Philippines – Water in 2011.