Atom may bagong dokyu sa I-Witness

August 13, 2020
Ang iskul kong bakwit

TULAD ng ibang mga Kapuso Public Affairs show, may bagong episode rin ang I-Witness na eere ngayong Biyernes (August 14) sa Power Block strip ng GMA News TV.

Ang dokyu ni Atom Araullo na “Ang Iskul kong Bakwit” ang mapapanuod sa nasabing award-winning show. Matatandaang dahil sa kaguluhan sa Mindanao, lumikas ang halos 100 kabataang Lumad upang makatakas sa karahasan at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sisilipin ni Atom ang kalagayan nila lalo na’t mayroong pandemya tayong kinakaharap ngayon.

Mapapanuod ang bagong episode na ito ng I-Witness ngayong Biyernes, 9:15 PM, pagkatapos ng Family Time sa GMA News TV. (30)