Ayaw mag-share ng wedding details

February 20, 2020

HINDI lamang sina Sarah at Matteo ang ayaw mag-share ng detalye ng kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib kundi maging ang iba pang engaged couples na sina Angel Locsin at Neil Arce, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati (except yung date na March 14), Alex Gonzaga at Mikee Morada, KZ Tandingan at TJ Monterde, Sheena Halili at Jeron Manzanero at maging ang ex-PBB housemate na si Fourth Solomon at model na si Grizelle Gralela.  Nariyan din ang iba pang engaged couples na sina Gwen Zamora at David Semerad maging ang kakambal nitong si Anthony Semerad at fiancée na si Sam Pinto at ang recently engaged couple na sina Kris Bernal at Perry Choi.

Malamang na hindi sa taong ito magpapakasal sa simbahan ang actor na si Carlo Gonzales at TV host na si Luane Dy dahil ipinagbubuntis ng huli  ang kanilang magiging unang baby.  The couple who have been together for over eight years had their civil wedding ceremony nung November 28, 2019.

Ang listahan ang mga celebrity couples na nakatakdang ikasal within the year ay maaaring madagdagan.