B-day pasabog ni Xian kay Kim, apektado ng quarantine

April 19, 2020
Xian Lim & Kim Chiu

APRIL 19 ang 30th birthday ni Kim Chiu at siyempre, as always, hindi nakalimot si Xian Lim na batiin ang kanyang lady love.

“This is for the sweetest and the most lovable person out there. To my travel buddy, to my P.I.C., and to the person who cares more for others than herself, HAPPY BIRTHDAY @chinitaprincess!!!!

“All I know is time stops whenever I'm with you. Stay wonderful, stay amazing, stay beautiful inside and out. Love you,” ang birthday message ni Xian para sa girlfriend na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Kung hindi lang tayo naka-enhanced community quarantine due to the COVID-19 pandemic, sigurado kaming may pasabog na naman si Xian para sa girlfriend na taun-taon niyang ginagawa.

Last year ay matatandaang sa Taiwan nag-celebrate si Kim ng kanyang kaarawan kasama si Xian.

At sa mga nagdaan pang mga taon ng kaarawan ng aktres, lagi na’y may sorpresa sa kanya ang actor-boyfriend.

This year, who knows, baka makagawa pa rin ng paraan si Xian na mabigyan ng pasabog ang GF kahit naka-lockdown?