Baby Dahlia, pampa-good vibes sa Easter Sunday

April 12, 2020
Baby Dahlia

SA pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay o Easter Sunday, isang pampa-good vibes ang ibinahagi ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff sa kani-kanilang Instagram followers.

Nag-post ang mag-asawa ng picture ng kanilang new-born baby na si Dahlia with matching basket of leaves and flowers sa harapan nito.

“Happy Easter from our little bunny and blessing 🐰🐣. This means that anyone who belongs to Christ has become a new person. The old life is gone; a new life has begun. 2 Corinthians 5:17,” caption ni Anne.

Caption naman ni Erwan, “embracing my new role as a full time dad/florist/baby photographer.”

Komento ni Luis Manzano, “you are so cute!!! You are also really cute Dahlia!”

Nagsipag-komento rin sina Ruffa Gutierrez, Ai-Ai de las Alas, Mariel Rodriguez, Iya Villania, Alessandra de Rossi, Isabelle Daza, Karla Estrada, Cristalle Belo at Karen Davila, among others.

Sa kanyang Twitter account ay nag-post din si Anne ng close-up photo ng lashes ni Baby Dahlia.

“My heart. Her little eyelashes are starting to grow,” caption ni Anne.

Nakakatuwang larawan na talaga si Anne ng isang ganap na ina na lahat ng development ng anak ay napapansin at ikinaliligaya.