Baby girl ni Anne ’di pa puwedeng ibiyahe

March 03, 2020
Anne Curtis

PAREHONG baby girl ang isinilang ng mag-sister-in-law na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis two months apart.  Isinilang ni Solenn ang first baby nila ng kanyang Argentinian husband na si Nico Bolzico nung January 1, 2020 habang si Anne naman gave birth to her and husband Erwan Heussaff’s first baby nung nakaraang Lunes, March 2, 2020 sa Melbourne, Australia.

Nagpahatid ng pagbati sa mag-asawang Anne at Erwan ang “It’s Showtime” family ni Anne maging ang kanyang management company, ang Viva Artists Management (VAA).

When the baby is allowed to travel ay saka lamang sila lilipad pabalik ng Maynila.

Ngayong nakapag-silang na si Anne, maghihintay lamang siya ng ilang buwan at agad siyang babalik sa kanyang hosting job sa “It’s Showtime” maging sa kanyang iba’t ibang product endorsements.