Baby girl nina Drew at Iya last na raw

July 26, 2020
Iya Villania

NGAYONG may baby girl na ang mag-asawang Kapuso talents na sina Drew Arellano at Iya Villania na si Alana Lauren na isinilang nung July 18, inamin ng 40-year-old Kapuso host na last baby na umano nila ito.

Ang mag-asawang Drew at Iya ay may dalawang older boys na sina Primo na magpu-four years old on August 30 habang  magda-dalawang taon naman si Leon on August 18.

Parehong hands-on parents sina Drew at Iya sa kanilang mga anak.  Kapag wala rin lamang silang ibang mga commitments ay siguradong nasa bahay lamang sila with their kids.