Baby girls all

February 28, 2020

MATAPOS magsilang sa kanilang first babies (na parehong girl) sina Solenn Heussaff at Ethel Booba, baby girl din ang isinilang ni DJ Chacha (Czarina Marie Balba-Guevarra) nito lamang isang linggo ng husband niyang si Michael `Mike’ Guevarra na kanilang pinangalanang Savannah Alejandra.  Girl din ang panganay na anak  ni DJ Chacha sa kanyang previous relationship na si Sabina.

Pagkatapos ni DJ Chacha ay susunod naman sa kanya si Anne Curtis na baby girl ang nakatakdang isilang.

Ang iba pang celebrity preggies ay sina Cristalle Belo Henares-Pitt (to give birth sometime in April) at ang Kapuso TV host na si Luane Dy sa magiging unang baby nila ng kanyang husband, ang Kapuso actor na si Carlo Gonzales.  Ipinagbubuntis din ngayon ni Iya Villania ang kanilang pangatlong child ng husband niyang TV host na si Drew Arellano.