Baby nina Anne at Erwan nakikilala na

April 14, 2020
Baby Dahlia Amélie
Baby Dahlia Amélie

UNTI-UNTI nang nagsi-share ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff ng picture ng kanilang firstborn na si Dahlia Amelie na isinilang nung March 2, 2020 sa Melbourne, Australia.

Unang nagbahagi ang mag-asawa ng larawan ni Baby Dahlia sa first month anniversary  ng kanilang  baby at pangalawa naman nung Easter Sunday.

Dahil sa lockdown, mas naging close ang mag-asawa lalupa’t kasama na nila ang kanilang unang supling.

Sa mga pictures ni Baby Dahlia, si Anne ang tumatayong stylist habang si Erwan naman ang photographer.