Baby nina Carlo at Luane 4 months old na

August 20, 2020

SA darating na September 2 ay four months old na ang first baby ng mag-asawang Luane Dy at Carlo Gonzales na si Jose Christiano na may palayaw na `X’.

Si  Baby X ay isinilang nung May 2, 2020.

Ang Kapuso TV host na si Luane at Kapuso actor na si Carlo (cousin of Kapuso primetime king Dingdong Dantes) got engaged nung April 2019 habang namamasyal sa Disneyland sa Anaheim, California, USA.   Kasunod na rito  ang kanilang civil wedding nung November 28, 2019 sa Quezon City Hall.

Si Luane ay bahagi ng daily morning show ng GMA, ang “Unang Hirit”.  Before the lockdown ay regular din siyangnapapanood sa longest-running noontime show na ‘Eat Bulaga’ bilang isa sa co-hosts.