Bag ni Mar Roxas may natuklasang ibang laman

April 03, 2019
Mar Roxas and Korina Sanchez with their twins

NASA bansa na ang kambal na anak ng mag-asawang senatoriable Mar Roxas at “Rated K” host at veteran journalist na si Korina Sanchez-Roxas na sina Pepe and Pilar.  Dumating ang mag-asawang Mar at Korina last April 1 galing Pennsylvania via New York, USA kasama ang kanilang twin children.

Ang mag-anak ay sinalubong sa NAIA ng lola ng kambal na si Judy Araneta-Roxas, ina ng dating senador at DILG Secretary na sobrang excited makita ang kanyang kambal na mga apo.

Natatawa ang senatoriable na si Mar dahil kung dati-rati raw ay kung anu-anong mga gadget ang kanyang bitbit ngayon ay bag na ang laman ay lampin, bote at gatas.

Sinundo ni Mar ang kanyang wife na si Korina and their more than one-month old twins sa Pennsylvania, USA kung saan din lumipad galing California ang binatang anak ni Mar na si Paolo Roxas (sa dating beauty queen na si Maricar Zaldariaga) para makita ang kanyang twin siblings bago iuwi ng Pilipinas.