Bagong single ni Golden napapakinggan na worldwide 

August 25, 2020
Golden Cañedo

NAPAPAKINGGAN na worldwide ang bagong single ng The Clash Season 1 Champion na si Golden Cañedo sa ilalim ng GMA Music – ang "Walang Hanggang Sandali".
 
Siguradong maraming makaka-relate sa kanta dahil ayon kay Golden, ang mensaheng nais iparating nito ay tungkol sa realidad ng pag-ibig, “Sa isang relasyon, may kaba, takot, kilig, may ganun po na lyrics… parang hindi lang po puro saya.”

Ang "Walang Hanggang Sandali” ay isinulat ng mga kilalang OPM artists na sina Ebe Dancel, Yumi Lacsamana, Herbert Hernandez, at Jim Paredes. Ang awiting ito ay produkto ng nakaraang Filscap Master camp, ang pinakaunang major songwriting collaboration sa Pilipinas.

Maaari nang i-stream at i-download ang kanta ni Golden sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide.