Bagong TV series ni Julia nahinto

July 31, 2020

DAHIL sa pandemya, na-delay ang pagsisimula ng bagong TV series na “Cara y Cruz” na tatampukan nina Julia Barretto, Tony Labrusca, Marco Gumabao, Loisa Andalio, Ronnie Alonte at Barbie Imperial under RSP Scripted ng director at TV executive na si Ruel Bayani.  Pero nakatakda na itong i-resume sa buwang ito ng Agosto following health protocols.

Huling napanood si Julia sa TV series na “Ngayon at Kailanman” na pinagtambalan pa nila ng dating ka-loveteam at former boyfriend na si Joshua Garcia. Ang dalawa ay mahigit isang taon na ring hiwalay although nagkasama pa ang dalawa sa horror-thriller movie na “Block Z” na ipinalabas early this year nung wala pang pandemya.

Parehong unattached ngayon sina Julia at Joshua.