Balitang namatay si Rez Cortez, fake news

June 18, 2020

HINDI pa rin talaga nawawala ang mga nagpapakalat ng fake news. Ang pinakabagong biktima ay ang 64-year-old veteran actor na si Rez Cortez na napabalitang pumanaw na umano.

Si Rez na mismo ang nagpatototo na siya’y buhay pa.  Hindi naman malaman ng actor kung ano ang pakay ng nagpakalat ng balitang siya’y sumakabilang-buhay na.

Maging responsible naman sana ang iba pang nakakatanggap ng ganitong balita na sana’y i-validate muna nila kung totoo o hindi ang balita at hindi isi-share agad para lalong kumalat kahit hindi totoo.