Banderas ligtas na sa Covid 19

August 26, 2020
Antonio Banderas

MAGALING na ang Spanish and Hollywood  actor, film producer at director na si Antonio Banderas (Jose Antonio Dominguez Bandera) matapos nitong sundin ang strict 21-day quarantine nang magpositibo sa coronavirus (Covid-19) on his 60th birthday last August 10.

Pero bago ito ay nag-suffer na rin noon ang actor ng heart attack na kanyang nalagpasan.

Si Antonio ay may isang anak, si Stella Banderas sa kanyang ex-wife of 19 years, ang Hollywood actress na si Melanie Griffith.  Ang kanyang unang wife ay ang Spanish actress na si Ana Leza na nakasama niya sa loob ng siyam na taon pero hindi sila nagkaroon ng anak.

Si Antonio ay nakilala sa mga pelikulang “The Mask of Zorro,” “The Legend of Zorro,” “Desperado,” “Philadephia,” “Evita,” “Assassins,” “Original Sin” at marami pang iba.

Si Antonio ay naka-base ngayon sa Great Britain (UK).