Bangs manganganak na naman

May 27, 2020
Bangs Garcia
Bangs Garcia, Lloyd Birchmore and daughter Amelia


ISA ang London-based actress-painter na si Bangs Garcia (Valerie Garcia-Birchmore) sa mga expectant celebrity mom this year.  She is due to give birth to another baby girl sometime in July courtesy of her Filipino-British businessman husband na si Lloyd Birchmore.

Everybody thought that she will be having a baby boy dahil sa kanyang physical appearance but when  she had her ultrasound ay doon lamang nalaman na girl ang kanyang magiging second baby at excited ang kanilang firstborn na si Amelia dahil magkakaroon na umano siya ng playmate. Amelia is turning 3 on December 5.

Bangs admits na wala na umano siyang mahihiling pa sa kanyang husband na si Lloyd na napaka-caring, responsible and supportive.

Sina Bangs at Lloyd ay nagkakilala sa Boracay in January 2015 and got engaged in the same spot on January 2016.  On September 10, 2016 ay nagpakasal ang dalawa sa isang civil wedding ceremony in London na sinundan ng kanilang church wedding in Boracay nung January 23, 2017 at beach wedding (also in Boracay) a day after kaya tatlong beses sila ikinasal – isang civil, church and beach wedding.

Bago nag-showbiz, si Bangs ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Ateneo de Davao.  In 2004, nanalo siya sa kanilang inter-school competition na “Campus Idol”.  Naging host din siya ng isang teen variety program  ng ABS-CBN (Davao) bago siya napasama sa programang “Let’s Go” ng ABS-CBN where she played the role of Bangs in 2006.  Magmula noon ay Bangs na ang tawag sa kanya ng lahat kaya in-adopt na niya ang screen name na Bangs Garcia.