Baninay at Bont kinapitan din ng virus

August 19, 2020

IBAYONG ingat  ang kailangan ng lahat laluna ngayong ibinalik ang National Capital Region (NCR) at mga karatig lugar sa general community quarantine (GCQ) at inaasahang muling magsu-shoot-up ang mga nahahawa ng Covid-19.

Bukod kay Sen. Bong Revilla na isinugod na sa pagamutan last Tuesday, positibo rin sa coronavirus ang ex-PBB housemate (Lucky Season 7) in 2016 na si Baninay Bautista from Batangas.  Bukod kay Baninay, positibo rin ang kanyang nobyong YouTuber na si Bont Bryan Oropel gayundin ang kanyang ina at isang brother.  Kamakailan lamang ay namatay ang ama ni Bont dahil sa pneumonia with Covid-19 na siya marahil nakahawa sa kanya.

Dinala na umano sa isang quarantine facility ang ina at kapatid ni Bont habang sina Bont at Baninay ay naka-self quarantine.

Si Baninay ay kasabayan ng PBB Big Winner na si Maymay Entrata gayundin sina Edward Barber, Kisses Delavin, Marco Gallo at iba pa.