Barbara may international film na hindi maipalabas

August 26, 2020
Barbara Miguel

MATAGAL ding hindi naging visible ang young actress na si Barbara Miguel sa telebisyon pero ngayong Sabado (August 29), mapapanuod siya sa episode ng Wish Ko Lang kasama ni Kris Bernal. Gagampanan ni Barbara ang anak ng karakter ni Kris sa kuwento.

Bukod sa paglabas sa TV, aminado ang award-winning actress na nami-miss niya na rin ang paggawa ng pelikula. Ang last kasi niyang movie project, di pa naipalalabas.

“Nag-shoot po ako for an international film pero di pa siya pinapalabas,” say ni Barbara. Wish ng award-winning actress na magampanan ang isang role na iba sa mga nagawa na niya dati. “I wish to have a role na sobrang powerful na woman. A girl na hindi umuurong sa laban and I hope it's gonna be sci-fi/adventure! Para iba naman po from my heavy roles.”

Paano naman nakarelate si Barbara sa karakter niya sa Wish Ko Lang? Sagot niya: "Yung pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina, [na] kahit anong mangyari nandyan sila para sa isa't isa. Kagaya po ng pagmamahal namin ng mama ko."

Makakasama rin nina Kris at Barbara sa Wish Ko Lang sina Biboy Ramirez at Ahron Villena.