Barbie at Jak nakakapag-bonding  pa kahit may ECQ

April 17, 2020
Barbie Forteza
Barbie Forteza

SA latest video sa Facebook page ni Kapuso PR Girl, ikinuwento ni Barbie Forteza kung paano sila mag-bonding ng boyfriend na si Jak Roberto kahit hindi naman sila magkasama sa bahay sa gitna ng ECQ.

Paliwanag ni Barbie, madalas daw silang mag-video call. “Minsan mas maaga siyang nagigising sa akin kaya pagkagising ko ang dami niyang text. Minsan sabay kaming nagwu-workout virtually bago ako mag-Netflix. O kaya minsan kapag may movie na hindi pa namin napapanood parehas, sabay naming pinapanood habang magka-video call.”

Dagdag pa ni Barbie, nami-miss man nila ang isa’t isa, alam nilang mas importante ang manatili sa loob ng bahay. “Siyempre iba pa rin ‘yung magkasama pero mas importante ay safe kayong dalawa.”

Samantala, muling napapanood sina Jak at Barbie sa romantic comedy series na ‘Meant To Be’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.