Barbie nawiwili sa pagluluto: Mag-aasawa na?

August 12, 2020
Barbie Forteza

MUKHANG enjoy na enjoy sa pag-eksperimento sa kusina ang aktres na si Barbie Forteza. 

Marami-rami nang natutunang recipes ang aktres na isini-share niya sa fans. Sa kaniyang latest vlog, ipinagmalaki niya ang kanyang creamy mushroom chicken and cauliflower fried rice.

Kamakailan naman ay tinuruan naman siya ng boyfriend na si Jak Roberto na magluto ng beef salpicao.

Naghahanda na ba si Barbie sa pag-aasawa? Bago ang lockdown at busy pa siya sa taping ng pinagbibidahang primetime series na 'Anak ni Waray vs. Anak ni Biday' sa GMA, sinabi ni Barbie na gusto muna niyang magtrabaho. Five years pa raw at bajka handa na siyang mag-settle down.

But things are different now. Hindi kaya nagbago na ang isip niya tungkol sa 5 years?

Kinakarir niya ang pagbibigay ng updates sa kanila ni Jak sa mga video na regular niyang ina-upload sa kaniyang YouTube channel. Abangan.