Barbie saludo sa pagmamahal ng GMA

July 26, 2020
Barbie Forteza
Barbie Forteza

NARARAMDAMAN ni Barbie Forteza ang buong pusong pagmamahal na handog ng GMA Network sa mga manonood nito.

“Dito sa GMA, buong pusong pagmamahal ang nais nating maihatid para sa lahat - pag-ibig para sa ating minamahal, sa friends, at sa ating mga pamilya. Sa anumang paraan, pagmamahalan ang gusto nating i-share sa lahat dahil ang hangad namin ay mapasaya ang inyong mga puso,” pahayag ni Barbie sa YouTube video na ini-upload ng GMA Network.

Patuloy pa ring napapanood at naghahatid ng saya si Barbie sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.