Barbie tinulungan ni Jak sa work from home setup

July 31, 2020
Barbie Forteza
Barbie Forteza

SA kanyang latest vlog, ipinasilip ni Primetime Princess Barbie Forteza ang naging work from home setup niya nang maging guest anchor sa Chika Minute. 

Tinulungan daw siya ng boyfriend na si Jak Roberto para i-setup ang box equipment na pinadala ng 24 Oras. Si Jak ang nag-ayos ng settings ng camera at ng ilaw para kay Barbie. 

Bago nagsimula ang newscast, nag-makeup muna si Barbie, "In fairness, ang bilis kong nakapag makeup. Tama rin 'yung diskarte ko na dito ko sa setup magme-makeup. Para nga naman tama 'yung makeup ko kasi minsan iba 'yung rehistro ng makeup sa camera ng phone, iba pag sa camera dito, iba sa makeup table ko sa taas. Mas okay na sigurado tayo."

Samantala, habang hindi pa nagre-resume ang taping ng pinagbibidahang primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, napapanood gabi-gabi sina Barbie at Jak sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.