Baste nanghiram ng motel kay Ellen para sa PUIs/PUMs

March 29, 2020

ALTHOUGH matagal nang hiwalay bilang magkasintahan sina Ellen Adarna at ang Presidential son, now vice mayor ng Davao na si Baste Duterte, nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Sa gitna ng outbreak ng coronavirus (Covid19) kung saan punuan na ang mga pagamutan both government-owned and private hospitals, nagkakaubusan na ng lugar kung saan dapat tumuloy o isolate ang PUIs or PUMS patients.

Tumawag umano si Vice-Mayor Baste Duterte kay Ellen na may kinalaman sa kanilang pag-aaring motel sa Davao, ang Queensland Motel kung puwede itong pansamantalang gamiting lugar ng PUIs o Persons under investigation ng Covid 19 na agad namang sinang-ayunan ng aktres.  Ito umano ang paraan ng pamilya Adarna na makatulong sa mga taga Davao.

Ang pamilya ni Ellen ay siyang nagma-may-ari ng ilang branches ng Queensland Motel with branches in Cebu, Davao at Manila.  Meron din silang pag-aaring resorts at condominium buildings at iba pang negosyo in Cebu.

Si Ellen ay may ilang buwan na ring hiwalay sa kanyang dating partner, ang actor na si John Lloyd Cruz kung kanino siya may isang almost two-year-old son na si Elias Modesto Cruz.