Batang Fil-Briton na mahilig sa adobo

February 20, 2019

NAKATUTUWA ang two-year old son ng Fil-British model-host na si Georgina Wilson-Burnand at British husband nitong si Arthur Burnand na si Archie dahil umiiyak ito kapag wala siyang ulam na adobo.

Sa edad na dalawang taon, hindi ipagpapalit ni Archie ang adobo sa steak o sa ano pa mang mamahaling ulam.  Kalmado ito sa pagkain kapag meron siyang ulam na chicken adobo na niluluto para sa kanya ng kanyang yaya.

Si Archie ay apo sa pamangkin ng unang Filipina Miss Universe-turned actress na si Gloria Diaz at pamangkin naman ni Isabelle Diaz-Semblat.  Kapatid ni Gloria ang mother ni Georgina na si Aurora Diaz-Wilson.

Kahit 75% Briton si Archie at 25% lamang ang dugong Pinoy, hindi nito maikakaila ang kanyang pagkakaroon ng pusong Pinoy laluna sa pagkaing adobo.

Samantala, bago napangasawa ni Georgina ang British husband niyang si Arthur Burnand ay na-link ito romantically sa actor na si Richard Gutierrez at model na si Borgy Manotoc.

Sina Georgina at Arthur ay ikinasal sa Winchester, England noong April 30, 2016 at isinilang naman ang baby nilang blonde at blue-eyed na si si Archie nung December 14, 2016.