Bawing-bawi

January 14, 2019
Harlene Bautista

Pagdadalawang-isip sa ‘Rainbow’s Sunset,’ inamin ni Harlene .

... pelikula nina Eddie, Gloria at Tony, na-exceed ang expectations ng Heaven’s Best.

NAGDALAWANG-ISIP si Harlene Bautista na isalang ang award-winning movie, Rainbow’s Sunset, ng Heaven’s Best Entertainment sa 2018 Metro Manila Film Festival.

“Kaya ba namin kasi wala ka namang big stars na nandoon. Pero mali ang aming mga akala, hahaha!” bulalas ni Harlene nang makausap ng ilang press sa thanksgiving dinner sa cast and staff ng Rainbow’s Sunset sa Salu resto last Sunday.

Intended talaga sa December filmfest ang movie. Hindi nga lang pumasa ang script nito nu’ng una kaya agad silang nag-shoot at isinabmit sa finished product deadline.

“So, parang ang journey ng pelikula, parang ewan! Parang pelikula na rin ang paggawa ng movie,” rason ng actress-producer.

Mula sa pagiging kulelat sa unang araw ng festival, nasa Top 5 na sa listahan ng kumitang entries ang Rainbow’s Sunset sa buong duration ng filmfest.

“It exceeded our expectations! Kasi sino ba naman ang Heaven’s Best, unang-una? Pangalawa, sabi ko, wala nga kaming stars dito na taun-taon nandoon na pumapatok talaga ang movie.

“Talagang ’yung kaba, questions sa utak mo, sugal talaga, eh! Pero talagang naniniwala talaga kami na maganda ang project. ’Yung cast, perfect talaga. Plus Direk Joel Lamangan,” pahayag pa niya.

So, nabawi na ang luhang iniyak niya nang hindi ito agad tinangkilik ng manonood?

“Oo, bawing-bawi na! Bumalik pataas ang luha kong iniyak, hahaha!” tugon ni Harlene.

Anyway, present sa thanksgiving dinner ang kapatid ni Harlene na si QC Councilor Hero Bautista, mga miyembro ng lead cast na sina Eddie Garcia, Tony Mabesa, Gloria Romeo, writer Eric Ramos at mga batang artista sa movie, led by Noel Comia.