BB Gandanghari vs Vice Ganda: 'Look who's talking?'

June 15, 2020
BB Gandanghari

AFTER his brother Robin Padilla chose not to answer his “hanash and kuda”, BB Gandanghari is on the warpath once again. This time, the object of his wrath in his Youtube harangue is Vice Ganda. He said that about ten years ago, Vice said in an interview that he loves Rustom Padilla, so “bakit pinatay?” And Vice wondered why BB wanted to be a model in the USA when he’s already 40 years old and wears mismatched outfits.

“Pinalampas ko `yan noon. But look who’s talking? Sino ba ang makapal ang make up?  Sabi ko nga, there’s a time for everything.  It’s time to speak now.  'Yung panahon na `yan, kung babalikan natin, hindi pa siya Vice Ganda. Kasi `yan yung panahon na ang balita noon, ang sensation noon ay si BB Gandanghari. Sumasakay siya. At gumamit ng hurtful words. Wala siyang pinagkaiba sa mga haters, mga trolls. Eh, isa naman siya sa mga ganun, na kinasikat niya. ’Yan ang mga tinanggap ko noong nagpakilala ako sa tao. The nerve na from the LGBTQ pa, ha!

“Ayaw mong tanggapin ang pagkababae ko? Kukuwestyunin mo? E, wala ka naman palang sense. Masuwerte ka at sumikat ka, kahit bobita ka, `yun lang ang masasabi ko sa’yo. Hahahaha! Love raw niya si Rustom. Fan siya ni Rustom. Does that mean na dapat meron kang opinion? 

“Nagpa-interview siya sa TV Patrol para i-bash ako. Para sumikat. At in fairness, sumikat naman siya. Isang malaking bangaw! Isang malaking bangaw! Imagine ang Pilipinas ganun na bumaba ang integridad ng pag-aartista, may isang bangaw na sumikat dahil nakisakay kay BB!”

May mga nanonood na kinumpara ang ganda ni BB kay Vice Ganda.

“Sa panahon ngayon? Pakitanggal na lang ng wig niya. Bago magsallita ng ganyan, wag masyado. Ganun ba? Ang daming baduy, talaga. Baduy ako? Really?  Ito pa ang isang kabobohan. Para i-comment mo na model kuwarenta, how dare you. I hope marinig ito ng mga anti-racist, para makita nila ang pagiging racist mo, bruha ka. Walang karapatan mag-model ang 40s?  Nakarinig ka na ba ng diversity? Eh, ikaw kuwarenta anyos ka na rin ngayon. Tama na rin ‘yang pagmi-make up mo ng ganyan, medyo masyonda na rin para diyan. Hahahaha! Hindi mo dapat sinasabi ang ganyan. Tumatanda ka rin. Kainin mo sana lahat ng sinabi mo. Akala nyo mananatili akong tahimik, hindi? You’ll never hear the end of it!””

Someone told BB she’s more beautiful as Vice is “mukhang kabayo.”

“Mukha pa rin ba siyang kabayo? Parang hindi na siya mukhang tao. Parang puro botox na lang. Hindi ko na alam ang mukha niya, tanggalin muna niya ang make up at wig niya, bago ako magbigay ng opinion. As of now, mukha lang siyang wig na may make up. Mukha siyang patungan ng wig. Magpasalamat ka hindi ako ganito noon. Tingnan nyo ang Instagram, puro photoshopped, at wala kang makikitang totoo. Pati ang pagsasalita, hindi totoo. Kasi lumaki siya sa Sta. Cruz, saan nanggaling ang slang? Hindi naman marunong mag-English ‘yan in the first place. Kung kaya mong magsalita ng ganun, kaya ko rin. Pero, I speak at the right time.  Makinis ang face ko, at makinis din ang kunsensiya ko.”