Bea, nalilibang sa painting

May 18, 2020

MAY bagong libangan ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo habang nasa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila.

Ito ay ang pagpi-painting na, aniya, ay wala siyang ka-ide-idea bago inumpisahan.

Sa Instagram Stories, ipinost ng aktres ang kanyang mga unang gawa na nilagyan niya ng caption na “Please don’t judge. LOL! Wala akong alam sa painting. Just trying it out.”

In fairness, may potential si Bea. Maganda ang kinalabasan ng kanyang pag-i-eksperimento at kung hindi niya sinabi na first timer siya, hindi mo iisipin na walang experience ang gumawa nga mga ito.

Ayon sa kanya, in-order lang niya sa isang online shop ang painting materials at nang simulan, na-realize raw niya na nakakatanggal talaga ito ng stress.