Beauty nasapawan ni Dimples?

July 06, 2019
Beauty Gonzalez, Richard Yap and Dimples Romana.
The lead cast of 'Kadenang Ginto' Beauty Gonzalez, Richard Yap, and Dimples Romana.

PAUSO itong si Daniela Mondragon.

Viral ngayon ang character ni Dimples Romana sa Kadenang Ginto. Her memes are all over the net. Ito 'yung naka-red siyang outfit na may hila-hilang luggage. Mukhang ito ang paraan ng mga netizen para makapaghiganti sa kanyang kontrabidang karakter sa nasabing teleserye.

Maging ang aktres 'di makapaniwala sa overwhelming support sa kanya ng fans. Kaya nag-post ito sa kanyang Instagram account para magpasalamat. Aniya, “Ang sarap ninyong magmahal my Kadenang Ginto fans! Fun, creative and super certified Pinoy humor. Tama ito! Let's flood the world with happiness and positivity. Ang galing-galing ninyo! Happy na happy ako!"

Mula sa phenomenal success ng "The Greatest Love" na kung saan gumanap siya bilang panganay na anak ni Sylvia Sanchez, hataw muli ang kanyang performance sa "Kadenang Ginto." Suwerte si Dimples dahil nabibigay sa kanya ang mga ganitong challenging role. But she should thank more her co-actors who complement her good portrayal of her character. In this serye, Beauty Gonzalez is equally good and portrays her character as Romina Mondragon so convincing and effective. Kaya naman nag-click ang kanilang bangayan araw-araw. Mukhang effective 'yung hindi nila pagsasama sa iisang tent sa taping. Sa huling guesting nito sa morning show na "Magandang Buhay," inamin ni Beauty na sinasadya raw nila ito para 'di sila maging close sa set. Para raw mas natural 'pag nagsasampalan at nag-aaway daw ang kanilang mga character dahil hindi sila chummy sa isa't-isa. Dagdag pa niya, magkaibigan naman daw sila sa totoong buhay. Pero ayaw muna talaga nilang maging close sa isa't-isa habang tumatakbo pa ang kanilang hit na serye.

Samantala, kung saan-saan na nakarating ang meme ni Dimples. Napag-iwanan na si Beauty. At mukhang mas panalo si Daniela kay Romina. Ngayon na mas napapag-usapan ang character ni Dimples, hindi ba nai-insecure itong si Beauty sa totoong buhay? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions, call or text 0908-603-2179 or email us at justasking_pj@yahoo.com.