Beauty queen Karen Gallman ikinasal na

March 05, 2020
Karen Gallman

IKINASAL ang  Filipino-Australian 2018 Miss Intercontinental beauty queen na si Karen Gallman sa kanyang fiancé na si Ian Garton last Tuesday, March 3 sa isang intimate wedding sa Stoneridge Estate in Queenstown, New Zealand, hindi kalayuang lugar kung  saan din ikinasal sina Anne Curtis at Erwan Heussaff nung November 12, 2017.

Si Karen ay sa Bohol isinilang sa kanyang Filipino mother na isang teacher na si Editha Boyonas at sa Australian national na ama, ang World War II veteran na si Gavin Gallman, Sr.

Taong 2000 nang mag-move ang pamilya ni Karen sa Melbourne, Australia at siya’y nagtapos ng kanyang pag-aaral ng Business Management majoring in International Business sa University of Queensland.  After graduation ay nagtrabaho siya sa isang consulting firm in London bago siya sumubok bilang beauty queen.  It was in 2018 nang siya’y sumali sa Bb. Pilipinas at nanalong Bb. Pilipinas – Intercontinental.  On the same year, sa Pilipinas ginanap ang Miss Intercontinental pageant at MOA Arena (sa halip na Tokyo, Japan) kung saan siya ang tinanghal at kinoronahang Miss Intercontinental.