Bela, JC maganda ang chemistry

February 04, 2020
JC, Bela

NGAYONG araw na ito ng Miyerkules, February 5 ang showing ng pelikulang “On Vodka, Beers and Regrets” na siyang balik-tambalan sa pelikula nina Bela Padilla at JC Santos mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor under Viva Films.  Ito rin ang ikatlong pagkakataon nina Bela at JC na magsama sa pelikula na naunang nangyari sa hit Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) movie in 2017, ang “100 Tula Para Kay Estela” na sinundan nung 2018 PPP hit movie na “The Day After Valentine’s” na parehong sinulat at dinirek ni Jason Paul Laxamana sa ilalim ng Viva Films.

Maganda ang pagkakalatag ng kuwento at execution ng “On Vodka, Beers and Regrets” na napanood namin  sa premiere night ng pelikula na ginanap sa  joint   Cinemas 1 & 2 ng Estancia Mall  in Pasig City nung nakaraang Lunes ng gabi na dinaluhan din ng cast pelikula sa pangunguna nina Bela at JC at kung saan din may mahalagang papel ang fiancé ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli na kahit maiksi ay markadung-markado gayundin sina Rio Locin at Kean Cipriano.

Palibhasa’y third team-up na ito nina Bela at JC ay kitang-kita ang magandang chemistry sa dalawa at napaka-kumportable na rin nila sa isa’t isa.

kasama na rito ang ama ni Arjo na si Art at ang lola ng actor na si Pilar Atayde sa dance craze ngayon na “Tala” na pinasikat ng Pop Superstar na si Sarah Geronimo.

Last December ay nag-celebrate ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan sina Maine at Arjo.

Dahil sa paglantad ng relasyon nina Maine at Arjo ay tuluyan nang nabuwag ang loveteam nina Maine at Alden Richards.

Dapat ay makahanap na rin si Alden ng babaeng kanyang mamahalin.