Bela umamin sa kasalanan

February 21, 2019
Bela Padilla

INAMIN ng 27-year-old Kapamilya actress-writer na si Bela Padilla na career umano niya ang naging dahilan kung bakit natapos ang almost five years relationship nila ng kanyang dating boyfriend, ang businessman-producer na si Neil Arce na nobyo na ngayon ng Kapamilya actress na si Angel Locsin.  Gusto kasi ni Bela na mag-focus muna sa kanyang showbiz career.

Since their break-up in late 2016, wala pang bagong lovelife ang pamangkin nina Robin at Rommel Padilla na mas ini-enjoy ngayon ang magandang takbo ng kanyang career bilang actress, writer and of late bilang co-producer ng isang digital film.

Marami umano siyang gustong gawin at kasama na rito ang pagdidirek balang araw.

Si Bela ay nakagawa ng tatlong pelikula last year (2018) at ang mga ito ay ang “Meet Me In St. Gallen” with Carlo Aquino under Spring Films na dinirek ni Irene Villamor (na siya ring nagdirek ng “Camp Sawi” and “Sid & Aya (Not A Love Story),” ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) entry na “The Day After Valentine’s” opposite JC Santos at ang Metro Manila Film Festival mega hit movie na “Fantastica”.  Her last TV series ay nung 2017 pa, ang “My Dear Heart” na pinagtambalan nila ni Zanjoe Marudo.

Kasalukuyang ginagawa ni Bela ang isang bagong serye na may halong drama, crime, mystery at thriller, ang “Mea Culpa” na pinamamahalaan ni Dan Villegas at tinatampukan ni Jodi Sta. Maria kasama sina Tony Labrusca, Kit Thompson, Sandino Martin, Ketchup Eusebio at Ivana Alawi.  Kasama rin sa nasabing serye sina Lorna Tolentino, Ayen Munji-Laurel, John Arcilla, Michael de Mesa at Bernard Palanca at kung saan naman may special participation sina Janice de belen at Aljur Abrenica.

Samantala, sa original cast ay kasama dapat si JC Santos pero pinalitan siya ni Tony Labrusca.

Hindi pa malinaw kung muling gagawa si Bela ng pelikula para sa ikatlong taon ng PPP.  Her first two entries, ang “100 Tula Para Kay Estela” at “The Day After Valentine’s” na parehong  pinagtambalan nila ni JC Santos mula sa panulat at direksyon  ni Jason Paul Laxamana ay siyang nanguna sa takilya ng PPP sa loob ng dalawang taon, 2017 and 2018.

Bela created, co-wrote and co-produced the digital movie na “Apple of My Eye” na tinampukan nina Marco Gumabao at Krystal Reyes  na dinirek ni James Robin Mayo.  Co-writer ni Bella si Adrian Legaspi at co-producer naman niya ang Dreamscape Digital.

In 2017, si Bela ang nagsulat ng dark romance-drama movie na “Last Night” na tinampukan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga at dinirek ni Joyce Bernal.  This was produced by Spring Films in co-production with Neil Arce, Boy2 Quizon at Nikolo Juban.