Benedict Cua may tips tungkol sa 'love language'

June 17, 2020
Benedict Cua

NAALIW ang maraming netizens nang mapanood ang real-life vlogger na si Benedict Cua bilang kanyang karakter sa GMA series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa ikatlong episode ng special vlogs ng serye na napapanood online. Matapos ang apology video ni Ginalyn (Barbie Forteza) at ang reaction vlog ni Caitlyn (Kate Valdez), si Benny (Benedict) naman ay nagbahagi ng tips kung paano nga ba mapapanatiling matatag at healthy ang friendship. Ayon kay Benny ay dapat maging pamilyar sa tinatawag na 'love language' upang maayos na maipahayag ang inyong care at pagmamahal sa kaibigan. Ilan lang diyan ay ang pagiging present kapag kailangan ka ng kaibigan mo, pagbibigay ng regalo upang maiparating na espesyal siya sa'yo, paglalaan ng quality time, at pagsasabi ng tunay na saloobin dito. 

Hindi naman mapigilan ng netizens na ikumpara ang paraan ng pagba-vlog ni Benny sa vlogging style ni Benedict na isang sikat na YouTube vlogger sa tunay na buhay. "Para lang akong nanunuod ng vlog niya. He's just being himself here," anang isang netizen. 

Samantala, marami na rin ang naghihintay na bumalik ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa telebisyon. "Abang-abang sa pagbabalik ng ANWANB. Waiting para kay Benedict!," sabi ng isang netizen. 

Sa susunod na Lunes (June 22) naman ay mapapanood ang vlog ni Cocoy (Migo Adecer) na pinamagatang "How to Break a Woman's Heart" kung saan aamin na ito sa tunay na nararamdaman kay Ginalyn na patuloy pa ring lumalayo sa kanya matapos maging dahilan ng hidwaan nila ni Caitlyn.