Benj gustong makilala 'di dahil kay Jose

February 07, 2020
Benj Manalo
Benj Manalo

DALAWANG bagong talents ang lumagda ng management contract with Viva Artists Agency (VAA)  last Thursday afternoon, ang singer-dancer-actor-comedian na si Benj Manalo at ang singer-actress na si Kara Madrid (formerly Kara Mitzki).

Si Benz ay isa limang anak ni Jose Manalo.  Dalawa na sa mga anak ni Jose ang sumunod sa kanyang mga yapak, ang kanyang eldest son na si Nicco at sumunod si Benj na nakatakdang ikasal sa kanyang fiancée, ang actress-comedienne na si Lovely Abella ng “Bubble Gang”.

Ayon kay Benj, professionally ay nagsimula siya sa stage musical na “Rak of Aegis” in 2015 at ito umano ang kanyang naging pasaporte para mapasok na rin ang telebisyon.

While he is proud to be Jose's son, gusto ni Benj na makilala siya sa sariling merito at hindi dahil anak siya ng popular singer-comedian at TV host.  And in fairness kay Benj, ganoon nga ang nangyayari sa kanya ngayon maging sa kanyang nakatatandang kapatid na si Nicco Manalo na nakilala bilang isang seryoso at mas malalim actor.

Bukod sa acting, may talent si Benj bilang singer, dancer at host.  Inamin nito na may isa pa siyang semester na kailangang bunuin para grumadweyt sa Production Design course sa College of Saint Benilde ng De La Salle University.  Pero dahil sa kanyang busy schedule ngayon ay hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral.

Si Benj ay naging bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin ng mahigit dalawang taon at naging bahagi rin ng iba’t ibang TV series.

First movie project naman ni Benj sa Viva Films ang “Spellbound,” local adaptation ng Korean movie na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Marco Gumabao.