Benjamin Alves, gustong maipalabas ulit ang movies with Lovi at Solenn

August 17, 2020
Benjamin Alves

ISA ang actor na si Benjamin Alves sa mga mahilig manood ng mga pelikula at TV series sa video streaming platform na Netflix at pansin niya ay muling nakikilala ngayon ang mga pelikulang Pilipino dahil dito.

Kung mabibigyan din daw ng pagkakataon ay nais niyang maipalabas din sa Netflix ang kanyang romantic-drama film na ‘Sana Dati’ kasama si Lovi Poe noong 2013 at ang pelikula nila last year ni Solenn Heussaff na ‘Misterio de la Noche’. Parehong naging entries sa Cinemalaya Film Festival ang dalawa.

Kuwento ni Ben, "If there was one, I was thinking because Lovi's is doing well now, 'yung Sana Dati with her sana. I was hoping because although we did get a general release, it would be nice to watch it again. Kasi iba rin 'yung format in HD, lalo na si Direk Jerrold (Tarog) pa 'yung nag-scoring noon. Ang laking bagay noon 'pag narinig mo sa HD surround sound, rinig mo lahat. That one specifically.”

"Maybe 'yung kay Solenn although I don't know kung ano 'yung rating, magiging censorship noon. I don't mind watching kung anong magiging reaction ng mga tao. We haven't had that released anywhere, Cinemalaya lang last year, 'yung dalawa na 'yon,” dugtong niya.