Best Actress award most memorable kay Janine

August 20, 2020
Janine Gutierrez

SA Facebook video ni Kapuso PR Girl, natanong si Janine Gutierrez kung ano ang most memorable career moment niya. 

Sagot ng aktres, ito raw ay nang manalo siyang Best Actress sa 2019 QCinema Film Festival para sa pelikulang ‘Babae at Baril’. Aniya, “So far, the most memorable career moment I’ve had was winning Best Actress at the QCinema Film Festival. Sobrang exciting, sobrang dream come true, at ‘yun ‘yung pinaka-moment na nasabi ko sa sarili ko na ‘Achievement ‘to!’”

Tampok bilang opening film ang ‘Babae at Baril’ sa New York Asian Film Festival na magsisimula sa August 28.

StarStruck season 7 ladies, nagkumustahan at nagpagalingan

ISANG masayang kumustahan at pagalingan ang hinatid ng ‘Quiz Beh’ host na si Betong Sumaya kasama ang StarStruck season 7 graduates na sina Pamela Prinster, Athena Madrid, Crystal Paras, at Ella Cristofani noong August 14. 

Si Pamela ay nasa Colorado, USA ngayon kasama ang kanyang pamilya. Si Athena naman ay nasa bahay at abala sa kanyang mga fashion at beauty content sa social media. Si Ella ay naka-focus sa kanyang YouTube channel habang si Crystal ay nag-e-enjoy sa pagluluto.

Samantala, ngayong Biyernes (August 21), apat na naggagandahang dalaga ang mapapanood sa online show sa #QuizBeh! Abangan.