Betong aliw sa ‘TikTok’

August 18, 2020
Wendell Ramos and Katrina Halili

SA kanyang latest vlog, ibinahagi ni Kapuso comedian Betong Sumaya kung paano siya nagsimulang gumamit ng sikat na short-form video app na TikTok.

Iba't iba ang mga video na inilalabas ni Betong sa TikTok tulad ng pagsasayaw sa mga dance craze tulad ng "Marikit" o pagkikipag-duet sa iba pang sikat na TikTok users tulad ni Rico Bautista na kilala sa mga skit niyang "Walang Ganoon Mars." 

Pero ang pinakamabenta sa netizens na videos ni Betong ay ang "laglag moments" mula sa defunct show na All Star Videoke kung saan naging host siya at si Solenn Heussaff. 

Naisip din ng ‘Quiz Beh’ host na dito gawin ang pa-contest niya para sa kanyang single under GMA Music na "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko."

Samantala, excited na rin daw si Betong sa fresh episode ng award-winning gag show na Bubble Gang na mapapanood na ngayong Biyernes, August 21.