Betong inaliw ang sarili at viewers sa 'Laba Serye'

April 23, 2020
Betong Sumaya
Betong Sumaya

 

SOBRANG nakakatawa ang Instagram stories ng Kapuso comedian at 'Centerstage' host na si Betong Sumaya. Ang pakulo nito ay tinatawag niyang #BetongsLabaSerye kung saan makikita siyang naglalaba ng mga underwear at damit habang bumibirit ng mga sikat na kanta tulad ng "Feelings" ni Morris Albert at "Beep Beep" ng Juan Dela Cruz Band. 

Kailangan niyang aliwin ang sarili nang dahil sa ipinatupad na Luzon-wide lockdown, mag-isa munang naninirahan sa QC si Betong at hindi pa makasama ang pamilya sa Rizal. At sa pamamagitan ng mga paggawa ng nakakatuwang videos at pag-awit ay naaaliw niya hindi lang ang kanyang sarili kundi mga fans.

Nakaka-miss na rin ang mga amazing na kalokohan ni Betong sa 'Centerstage' kasama si Alden Richards at ang judges na sina Aicelle Santos, Pops Fernandez, at Direk Mel Villena.