Bettina nakatagpo ng bagong magmamahal sa kanya at anak

August 15, 2020
Bettina Carlos

MASAYANG-masaya ngayon ang 32-year-old single mom, ang actress-baker na si Bettina Carlos dahil dininig ng Diyos ang kanyang panalangin na may dumating sa kanya na magmamahal hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang anak, ang 9-year-old na si Amanda Lucia,  ang non-showbiz entrepreneur na si Mikki Eduardo. 

Hindi ikinakaila ni Bettina na isa umano siyang carefree nung siya’y isa pang tinedyer.  Natuto siyang bumarkada,  uminom at manigarilyo at a young age pero sa kabila nito ay natapos niya ang kanyang pag-aaral sa college.

Just one month after graduation ay nagkaroon siya ng affair sa isang guy na hindi umano niya boyfriend at nagbunga ang kanilang naging short-lived relationship.

Ayon sa actress, it was an unwanted pregnancy at hindi niya agad nasabi sa kanyang parents.  Unang nakaalam ang kanyang ina at matagal umano siyang hindi kinausap ng kanyang ama. Pero nang isilang niya si Amanda ay dumalaw ang kanyang ama sa hospital.

Since she was pregnant with her first baby, pinu-push siya ng kanyang mga kaibigan na sila’y magkapakasal ng ama ng bata pero hindi umano siya pumayag dahil parati silang nag-aaway. When she was about 6 months heavy with her daughter ay nagkahiwalay sila.  It took more than five years bago niya napatawad ang biological dad ng kanyang anak.  Sa tulong ng kanyang parents at dalawang brothers na siyangtumayong father figures ni Amanda ay napalaki niya ang kanyang anak nang maayos, may respeto at takot sa Diyos.

Sa pagdating ng kanyang bagong partner, umaasa si Bettina na simula na umano ito ng kanilang pagbuo ng sariling pamilya.

Masayang-masaya rin si Amanda sa pagkakaroon nito ng ama sa kanyang stepdad na parang sariling anak ang turing sa kanya.