Bianca bilib na bilib kay Bitoy

April 27, 2019

SARI-SARING papuri ang natatanggap ng Kapuso actress na si Bianca Umali dahil sa kanyang pinagbibidahang GMA Telebabad series na Sahaya. Marami ang naantig sa kanyang kahanga-hangang pagganap bilang isang Badjao na matayog ang pangarap sa buhay. Bukod sa well-loved primetime series, malapit nang mapanood si Bianca sa family movie na Family History. Dito, makakasama ng aktres ang Kapuso comedy genius na si Michael V na siyang writer, direktor, producer, at isa sa mga gaganap sa pelikula. “I am very thankful na hindi naman lahat ng mga katulad ko na nangangarap ay nabibigyan ng pagkakataon na makarating kung saan man ako ngayon at magawa ‘yung nagagawa ko,” ayon kay Bianca. Dagdag pa niya, isa sa mga dahilan kung bakit siya bilib sa proyekto ay dahil sa kahusayan ng batikang komedyante, “Knowing Kuya Bitoy and knowing how he works and how he thinks, I was excited to see and be part of this adventure.”

Malapit nang mapanood ang Family History sa cinemas nationwide.