Bianca for good na sa Australia

August 18, 2020

KUNG pagbabasehan ang latest post ng actress nasi Bianca King sakanyang Instagram account, mukhang for good na ang kanyang pananatili sa Sydney, Australia.

Ang 35-year actress, model at music video director has decided to move to Australia sa gitna ng pandemic.

Si Bianca ay nagsimula sa kanyang acting career sa bakuran ng GMA in 2004 hanggang 2017 at siya’ynagsimula sa youth oriented program na “Click” na sinundan ng fantaserye na “Mulawin” at nagsunud-sunod na ang kanyang TV series sa Kapuso Network.  Nung 2017 ay lumipat siya sa ABS-CBN kung saan niya ginawa ang “Pusong Ligaw,” “Halik” at iba pang serye.

Nagtapos ang actress ng Digital Filmmaking sa De la Salle College of St. Benilde.