Biggest viral hit of 2019

February 29, 2020

ANG isa pang venture ng Viva ay ang pakikipag-collab nito with Peso Productions, isang bagong music label na nasa likod ng hip-hop viral hits, ang Allmo$t na siyang nagpasikat ng hit rap song na “Dalaga” at ang Soulstice na siya namang nasa likod ng “Ivana”.

Ang Peso Productions ay pinamumunuan ng rapper-writer at talent manager na si Paolo `Peso’ Mercado.

Dahil sa partnership ng Viva Records at Peso Productions, ang huli na rin mismo ang magpu-produce for Viva ng mga upcoming songs hindi lamang ng Allmo$t at Soulstice kundi maging ng iba pang upcoming hip-hop, rap at urban music artists.

Ang “Dalaga” ng  quartet rap group na Allmo$t ang maituturing na  biggest viral hit nung 2019. Ang music video ng nasabing rap song ay umabot ng 7.4M views habang ang kanilang performance sa Wish Bus ay nakakuha na ng mahigit 42-M views at more than 100M streams

Samantala ang Soulstice na isang trio ay binubuo nina Mscript (Rome Legarde)  Rowmee G. (Jerone De Leon) at Seth (Ronald Abasta).

Nasa line-up din ng Peso Productions ang LA Goons na siyang susunod na maglalabas ng kanilang sariling release.

Ang Peso Productions is in partnership with Viva Records na pinamumunuan ni Verb del Rosario, grandson ng big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario