Bimby matagal nang 'di nakikita ang ama

April 20, 2020
Kris Aquino
Kris Aquino and son Bimby locked up in Puerto Galera

SAMANTALA, birthday din ng bunsong anak ni Kris Aquino na si James Carlos 'Bimby' Yap Jr noong Linggo, April 19.

Nasa beach house ng game show host-producer na si Willie Revillame sa Puerto Galera inabutan ng lockdown ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby. Kaya doon sila nagkaroon ng simpleng birthday celebration sa kaarawan ng huli. Matagal-tagal na ring hindi nakikita ni Bimby ang kanyang cager dad na si James Yap na may dalawa na ring anak sa present partner nito, ang Italian national na si Michela Cazzola.

It was in July 10, 2005 nang ikasal sina Kris at James sa pamamagitan ng isang civil wedding na ginanap sa bahay ng King of Talk na si Boy Abunda.  April 19, 2007 naman nang isilang ni Kris si Bimby and three years later ay naghiwalay na sina Kris at James which was annulled in 2012.

Kris' older son, Joshua by veteran actor Phillip Salvador, is turning 25 on June 4.