Bitoy at misis, bigong mag-celebrate ng 26th wedding anniversary

April 22, 2020
Michael V.

Pribado ang relasyon ng mag-asawang “Bubble Gang” star Michael V. at Carol Bunagan at nananatiling matatag at happily married ang dalawa.

Sa katunayan, nitong Linggo (April 19) ay pinagdiwang nila ang kanilang 26th wedding anniversary kahit pa stuck at home dahil sa enhanced community quarantine.

Lumabas ang creativity ng award-winning comedian/content creator na si Bitoy sa pagpapahayag ng pagmamahal sa asawa sa pamamagitan ng handog na short video na may lamang sweet message.

Nais man daw na ilabas ni Bitoy si Carol upang i-celebrate ang kanilang anniversary, ang mahalaga raw ay magkasama sila.

Kahit naging simple lang ang kanilang selebrasyon this year, naniniwala si Carol na ang importante ay kasama niya ang mister.

Bukod sa pagiging mag-asawa, si Carol ay tumatayong talent manager din ni Bitoy at executive producer ng Mic Test Entertainment.

Samantala, napapanood pa rin ang kwelang barkadahan ng “Bubble Gang” tuwing Biyernes sa GMA-7.