Boss Vic: Sigla ng pelikula matatagalan bago maibalik

April 25, 2020
Vic del Rosario

THIS morning ay matagal naming nakakuwentuhan sa phone ang chairman-CEO ng Viva Communications, Inc. na si Boss Vic del Rosario.  Inamin nito sa amin na kahit naka-implement ang enhanced community quarantine of ECQ ay patuloy pa rin umano ang trabaho niya at ng kanyang  mga executives at ibang staff sa kanilang respective homes through work from home at constant pa rin umano ang kanilang tele-conferences for planning sa kanilang mga upcoming projects na kanilang sisimulan kapag na-lift na ang lockdown after May 15.

Ayon kay Boss Vic, 11 movies na ang natapos ng Viva Films bago pa man ang lockdown at may ilan ding projects ang for resumption ang production.

Sinabi ni Boss Vic that it will take sometime bago makabawi ang industriya dahil tiyak na mag-iiba na ang modelo ng business hangga’t wala pang nadi-discover na vaccine na makakagaling sa coronavirus (Covid 19).  Social or physical distancing will still be implemented sa mga tapings at shootings ganundin sa mga sinehan kapag ito’y nagbukas na.

Binabalak din ng Viva na sa mga Covid-19-free locations sila magsu-shoot para protektado ang mga artista, production personnel at iba pang involved sa production ng pelikula.

Viva is not totally crippled dahil sa lockdown.  Ang kanilang mga old films or contents ay patuloy na pinakikinabangan sa iba’t ibang platforms tulad ng Netflix, iFlix at sa sariling cable TV channels ng Viva tulad ng PBO, Viva TV, Sari-Sari, TMP or Tagalized Movie TV, Celestial Movie Channel , Korean Movie channel at iba pa.  Patuloy ding kumikita ang kanilang produced records under Viva Records sa iba’t ibang platform habang ang kanilang food business ay ongoing pa rin ang take-out at delivery service.   Ang nawalang revenue lamang sa Viva ay mula sa kanilang palabas na pelikula sa mga sinehan, ang dine-in customers sa kanilang mga restaurants, live concerts at iba pa nilang mga negosyo na kailangan ng physical presence.  

Samantala, kapag na-lift na ang ECQ on May 15 at puwede na nilang ipagpatuloy ang kanilang movie production, ipagpapatuloy nila ang kanilang ongoing movie projects na pansamantalang nahinto dahil sa lockdown habang ang  iba nilang mga proyekto ay kailangan nilang upuan at kasama na rito ang upcoming solo concert ng Pop superstar na si Sarah Geronimo na tentatively set on November.

Ayon pa rin kay Boss Vic, patuloy din umano ang kanilang pag-uusap sa ibang heads ng industriya kung ano ang kanilang puwedeng gawin kapag natanggal na ang ECQ.

Gayunpaman, optimistic naman si Boss Vic na maibabalik pa rin sa dati ang sigla ng industriya pero matatagalan nga lamang.