Boss Vic wala ring alam sa kasalang Sarah-Matteo

February 29, 2020

ANG panganay na anak ng Viva executive at talent manager na si June Rufino na si Ranvel Rufino ay isa sa closest friends ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at witness ito sa  mahalagang okasyon ng couple including the recent secret Christian wedding ng dalawa.

Ayon kay Ranvel, siya man mismo ay magpapatotoo na walang sapakang nangyari between Matteo and Sarah’s close-in security aide na si Jerry Tamara.  Naroon din umano siya sa ginawang panunugod at pagwawala ni Mommy Divine sa intimate reception ng wedding nina Sarah at Matteo sa isang restaurant sa loob ng Shangri-La at the Fort in BGC sa Taguig City.

May lumulutang namang balita na kesyo ang mommy ni Sarah umano ang may pakana na magpa-blotter sa police station in BGC at magsumbong sa programa ng radio anchor na si Raffy Tulfo para masira si Matteo sa mata ng publiko.  Ang ending, ang nasira ay si Mommy Divine maging ang personal security ni Sarah dahil ang simpatiya ng publiko ay napunta kina Sarah at Matteo na masaya ngayon sa kanilang bagong buhay may asawa.

Samantala, walang kaalam-alam ang sinuman sa Viva including Boss Vic del Rosario sa naganap na secret Christian wedding nina Sarah at Matteo. Nalaman lamang daw ito ni Boss Vic nang siya’y tawagan mismo ni Matteo nang sumugod sa intimate wedding reception si Mommy Divine at doo’y nagwala.  Matteo asked help from Boss Vic kaya ito napasugod din sa nasabing okasyon.