Bossing Vic magkakaroon na naman ng bagong apo

March 13, 2020

VIC Sotto’s 4th child, Paulina Sotto-Llanes is now pregnant sa magiging first baby nila ng kanyang husband of more than three years na si Jed Llanes.

Si Paulina ay anak ni Vic sa dating commercial model-actress na si Angela Luz.

Si Paulina ay nagtapos na cum laude ng Communication Arts sa Ateneo de Manila, isang award-winning golfer at visual artist. She married her non-showbiz husband na graduate din ng Ateneo na si Jed Llanes sa isang beach wedding nung January 1, 2017 na ginanap sa Pico de Loro Beach and Country Club in Batangas.

Si Jed ay Jose Eduardo Diosdado Salgado Llanes sa tunay na buhay,  isa sa mga apo ng dati at yumaong Pangulo ng Pilipinas na si Diosdado Macapagal at pamangkin ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ngayong magkaka-baby na sina Paulina at Jed, masaya para sa kanila ang mga  magulang ni Paulina na sina Vic at Angela gayundin ang mga half-siblings ni Paulina na sina Danica, Oyo at Vico.  Bunso naman nilang kapatid ang two-year-old na si Talitha na anak ni Vic sa kanyang second and present wife na si Pauleen Luna.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Paulina ay pang-pitong apo ni Vic. May dalawa siyang apo sa panganay na si Danica sa husband nitong si Mark Pingris na sina  Annielle Micaela at Michael Pingris habang apat naman ang kanyang apo sa kanyang pangalawang anak (sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie) na sina Ondrea Bliss, Kristan Daniel (Kiel), Marvic Valentin II at Kaleb Hanns.

Hinihintay na lamang ni Vic na magkaroon ng kasintahan and eventually mag-asawa na rin ang kanyang ikatlong anak (sa actress na si Coney Reyes) na si Vico Sotto (30), ang kasalukuyang mayor ng Pasig City.