Boy ang magiging anak ni Ryza

August 10, 2020
Ryza Cenon

BABY boy ang ipinagbubuntis ng 2004 Ultimate Female Survivor ng talent reality show na Starstruck, Season 2-turned actress na si Ryza Cenon (32)  courtesy of her cinematographer partner na si Miguel Antonio Cruz.

It was early last month nang i-share ni Ryza sa kanyang Instagram account  ang kanyang pagbubuntis.

Si Ryza ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) kung saan siya lumipat mula sa unang pangangalaga ng GMA Artists Center.  Bago ang kanyang pagbubuntis ay naging visible siya sa mga programa ng ABS-CBN.