Boyet nag-donate ng plasma para sa COVID patients

April 29, 2020
Christopher De Leon

ANG 63-year-old drama king na si Christopher de Leon ang kauna-unahang Covid-19 patient  from showbiz ang gumaling kaya nang malaman niyang makatutulong ang kanyang plasma sa mga may sakit ng coronavirus ay hindi siya nag-atubiling mag-donate.

Last Tuesday, April 28 ay boluntaryo siyang nagtungo ng St. Luke’s Medical Center – Global para mag-donate ng kanyang plasma.

Ang pinagdaanang pagsubok kay  Boyet nang siya’y kapitan ng Covid-19 at gumaling ay isa lamang sa napakaraming trials  sa kanyang buhay .  Nasubok din noon ang kanilang pagsasama ng misis na si Sandy Andolong na nagmuntik-muntikanang mauwi sa hiwalayan.   Nariyan din ang pagkakaroon ng kanser ng isa sa mga anak nilang si Miguel pero ito’y gumaling ganoon din ang successful kidney transplant ng kanyang misis na si Sandy.

Ang paggaling ni Miguel, ng kanyang misis na si Sandy at maging ni Boyet sa Covid-19 ay itinuturing ng actor na pangalawang buhay na nila at blessings mula sa Diyos.